Dilat
Pumipitik na naman ang araw sa bintana,
ang sarap murahin ng insomya,
isa kang puta
ayoko na
panis na ng letra at pintura ang aking mata
nangangalumata
pilit mang umidlip
ang utak naman ay talon ng talon
puro titik
isa
dalawa
putcha
sampung libo na ang tupa
wala ng sisidlan
ilan pa ba?!
hoy magbubuhangin
paki sabuyan nga ng asin ang aking mata

Comments