« Chip n Dip | Main | My World… »

Dugong Alketran…(Asphalt Blood)

May mga taong pagtinignan mo,
amoy agad ang init ng dugo,
pula,
kumukulo
ang sarap higupin at isalin sa sarili…

yan yan marahil ako,
minsa’y bampirang nais sumipsip ng buhay sa iba…

sa mga nakakaraang araw ng pagkauhaw,
pulang dugo ang ninamnam ko,
pansamantalang ligaya ang dinulot nito

hanggang sa muli ko pang uhaw na paghigop
alketran ang aking nasimot…
nakakabulon sa lalamunan,
makati,
ang sarap isuka sa daan…

matagal tagal bago naibuga ang maling dulot ng paghitit
hanggang halos himatayin
at bumagsak sa lupa…
uhaw…
tuyo’t lanta ang kulay…

pagtingin paitaas,
maraming tao ang yukong nanuod at dumaan
may mga nagpahiram ng kamay
iba ang kulay ng dugo sa kanila’y nananalantay
luntian,
ako’y tumikim paunti unti
buhay,
yan ang dulot ng kanilang dugo,
malapot at bumubulwak sa pagkulo
mabango at maraming pangako

sa pagtayo,
alintana ang pagtunog ng bagong pulso...

                            

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .